Evacuation ng mga residente sa Region 5, nagpapatuloy — PCG

SINABI ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapatuloy ang paglilikas sa mga residenteng naapektuhan ng paghagupit bagyong Kristine sa Region 5.

Mahigit 100 residente mula sa Brgy. Danicop sa Virac, Catanduanes at Brgy. Calangcawan Norte sa Vinzons, Camarines Norte ang inilikas ng PCG, katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Kasama sa mga inilikas sa Vinzons ay mahigit 20 bata at isang sanggol.

Dahil sa matinding epekto ng bagyo, naka-alerto na ang mga DRG o Deployable Response Groups ng PCG Bicol District para sa anumang kakailanganing tulong ng mga residente.

Kasama na dito ang DRG 5 ng Coast Guard District Bicol na magsisilbing dagdag puwersa sa Ligao City, Albay.

Magmula kahapon, tuloy tuloy ang paglilikas ng PCG sa mga binahang residente sa ibat ibang bahagi ng Region 5. Kasama dito ang mga taga Pili at Milaor, Camarines Sur, gayundin sa Bulan, Sorsogon at Legazpi City sa Albay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.