DOH, nagpadala na ng Emergency Response Team sa Bicol

Nagpadala na ang Department of Health (DOH) ng kanilang Health Emergency Response Team sa mga evacuation center na matatagpuan sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, sa Matnog Port, at iba pang lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Ayon naman kay DOH Secretary Ted Herbosa, nakahandang rumesponde ang tatlong DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sakaling kailanganin pa ng karagdagang tulong.

Sinabi nitong ang mga team na ide-deploy ay bihasa at sanay na sa pagsasagawa ng serbisyong medikal sa mga iba’t-ibang sakuna tulad ng bagyo at lindol.

Kumpleto rin sa water sanitation at hygiene facility ang grupo para sa mga mangangailangan na pasyente.

Ang response team ay binubuo ng mga kinatawan mula Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, Jose B. Lingad Memorial General Hospital at Eastern Visayas Medical Center.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.