Estudyante, dalawa pa, arestado sa Valenzuela buy bust

Share this information:

Arestado ang tatlong drug suspek, kabilang ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante, sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie,” 31 anyos, at Marvin Manalotoc, 30 anyos, kapwa ng 5226 Demitillo St. Brgy. Gen. T De Leon.

Ayon kay PSMSgt. Fortunato Candido, dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Robin Santos sa pamumuno ni P/Col. Ortega ng buy bust operation sa Demitillo St.

Nagawang makabili kay Ileto at Manalotoc ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba, kasama ang dalagita na bumili din umano ng droga sa dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy-bust money, 3 cellphone at P470 cash.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang menor-de-edad na dalagita.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawang kawatan, nalambat sa Malabon

Sun Feb 7 , 2021
Dalawang kawatan ang nasakote ng mga awtoridad matapos ang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw sa Malabon City. Sa report ni PMsgt. Julius Mabasa kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 9:14 ng gabi nang matuklasan ng biktimang si Michael Enriquez, 31 anyos, businessman, na ninakaw ang toy car ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: