Engkuwentro sa checkpoint; isa patay, isa nakatakas

NAUWI sa engkwentro ang isang checkpoint ng Highway Patrol Group 4-A at Binan City Police matapos hindi huminto ang motorsiklong walang plaka ng Riding-in –Tandem kaninang madaling-araw sa Binan City Laguna.

Sinita ng mga pulis ang dalawang hindi pa natutukoy na kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa isinagawang checkpoint sa Barangay Timbao kaninang alas 2:40 ng madaling–araw.

Imbes na huminto ay biglang tumalon ang angkas nito at mabilis na bumunot ng baril sabay pinaputukan ang mga awtoridad.

Walang nagawa ang mga pulis kundi gantihan ng putok ang mga suspek habang mabilis namang humarurot papalayo ang motorsiklo at nakatakas ang isa pa.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang suspek at agad na dinala sa Ospital ng Binan upang gamutin ngunit idineklara na itong dead on arrival dakong alas 3:21 ng madaling araw ni Dr. Gacoba.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.