Breaking News

Share this information:

INARESTO ng Cavite police ang isang 26-anyos na lalaki na inakusahan na nagnakaw mula sa Automated Teller Machine (ATM) na kanyang sineserbisyuhan sa loob ng kapitolyo ng Trece Martires City, Cavite Huwebes ng hapon    

Kinilala ang suspek na si Nicko O’neal Estrella, binata, isang Field Engineer at residente ng 431 Malainen Luma, Naic, Cavite dahil sa reklamo ng Brinks Philippines Incorporated.

Sa ulat ni PSSgt. Eduardo Reyes ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ang suspek sa loob ng Provincial Capitol sa Brgy. San Agustin, Trece Martires City, Cavite .

Nauna dito, Hulyo 1 pa nang  nagsagawa ng surveillance ang Brinks Philippines Incorporated sa pamamagitan ni Romar Tomas, security director hinggil sa bintang suspek na empleyado ng Diebold Nixdorf at second line maintenance sa serbisyo ng ATM sa Land Bank of the Philippines (LBP) na nagnanakaw ng pera sa ATM.

Kinontrata naman ng LBP ang Brinks Philippines Inc na in-charge sa servicing, replenishment ng ATM at cash-in transit.

Bago ang insidente, dakong alas-8:00 ng umaga nang nalaman nila na magre-repair ang suspek sa extractor ng ATM machine sa nabanggit na lugar.

Nagbantay at minanmanan ng ilang oras malapit na Kapitolyo  ng mga tauhan ni Tomas  hanggang sa binuksan ng suspek ang vault ng ATM machine, tinanggal ang extractor at tinangay ang cash na laman nito, muling ibinalik ang extractor at isinara ang ATM bago nito sinuri kung gumagana ang teller machine. 

Sa puntong ito ay kinompronta ang suspek at inaresto ng kapulisan at nakuha sa kanyang pag-iingat ang P12,000 cash na kinuha sa ATM.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: