Breaking News

Share this information:

LAGLAG sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Technical Intelligence Division (NBI-TID) sa isang entrapment operation ang isang empleyado ng Taguig City government dahil sa Robbery Extortion.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor si Sandy Frias Cabalida, empleyado ng Local Building Office (LBO) ng  Taguig City.

Ayon kay Distor, nagreklamo ang isang complainant laban sa suspek nang mag-apply ito ng Building Permit o Certificate of Occupancy noong Enero sa LBO ng Taguig City.

Nagbayad umano sila ng kabuuang fee na P108,743.60 at inisyuhan ng official receipt bilang kabayaran sa Certificate of Occupancy at Certificate of Electrical Inspection.

Nang hingin ng complainant ang mga certificate, sinabi ni Frias na ibibigay lamang ang certificate kapalit ng P800,000.

Nakiusap naman ang complainant na babaan kaya umabot na lamang sa P400,000.00 na dapat ay direktang ibabayad sa kanya.

Gayunman, natapos ang tatlong buwan ngunit hindi pa rin ibinibigay ni Frias ang hinihinging sertipiko ng complainant dahilan para humingi na ng tulong ang nagrereklamo sa NBI nq nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: