Breaking News

Share this information:

INANUNSIYO kamakailan ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill.”

Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at magpaabot ng kalinga at tulong sa mga sektor na higit na apektado ng pandemya gaya ng mga pinakamahihirap at iyong mga nawalan ng trabaho.

Kung maisasabatas, ito’y nagtatakda ng ng Php 1,000 financial assistance o ayuda sa lahat ng 108 milyon na mga Pilipino ano man ang estado sa buhay.

Nais din nitong palakasin ang kakayahan ng agri-fishery sector para sa seguridad ng pagkain sa buong bansa at iba pang mga programang pang-nutrisyon.

May mga itinatakda din pong mga karagdagang suporta ang Bayanihan 3 bill para sa Basic Education katulad ng internet allowances for students and teachers, pension para sa retired military at personnel in uniform, mga libreng RT-PCR tests para sa mga OFWs at Seafarers, tulong sa mga LGU, at iba pang mga solusyon na tutugon sa mga hamong dala ng pandemya sa ating bansa” pahayag ni Cong. Tiangco.

Ipagdasal po natin na maipasa ang Bayanihan 3 Act sa lalong madaling panahon,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: