Breaking News

Share this information:

TODAS ang isang 47-anyos na ginang nang tumama ang ulo nito sa semento matapos itulak ng kanyang live-in partner makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Navotas City Huwebes ng gabi.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, isinugod ng kanyang mga kaanak sa Tondo Medical Center subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Lilia Salido ng 91B Caseñas St., Brgy. Tangos North.

Nahaharap naman sa kasong homicide ang live-in partner ng biktima na kinilalang si Charles De Leon, 41 anyos, electrician, matapos maaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas police.

Ayon kay Col. Ollaging, unang nag-inuman dakong alas-5 ng hapon ang mag-live-in partner sa second floor ng kanilang bahay nang mauwi ang mga ito sa pagtatalo.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, naitulak umano ni De Leon ng malakas ang kanyang live-in partner na naging dahilan upang bumagsak ito at tumama ang kanyang ulo sa sementadong sahig.

Nang marinig naman ng nakababatang kapatid na babae ng biktima ang malakas na kalabog ay agad itong umakyat at laking gulat nito nang makita ang nakakatandang kapatid na may umaagos na dugo sa ulo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: