Emir ng Daulah Islamiyah, patay sa Maguindanao

NAPATAY sa inilunsad na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang itinuturing na emir ng teroristang grupong Daulah Islamiyah na si Salahuddin Hassan alyas Abu Sahiff.

Kinumpirma ito ni Major General Alfredo Rosario, pinuno ng AFP Western Mindanao Command, kasunod ng inilunsad na oeperasyon nitong Biyernes ng madaling araw.

Nabatid na ikinasa ang special operation sa Sitio Pinareng sa Barangay Damablac sa bayan ng Talayan, Maguindanao kung saan sinasabing nagtatago ang grupo ni Hassan.

Tumagal ng ilang minuto ang sagupaan hanggang sa mapatay ang emir gayundin ang asawa nitong si Jehana Mimbida.

Sinabi ni Rosario na maituturing itong malaking tagumpay at inaasahang mapipilayan na ang Daula Islamiya nang dahil sa pagkamatay ng kanilang emir. Si Hassan ang sinasabing namumuno sa buong puwersa ng Daulah Islamiya sa Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.