Breaking News

Share this information:

Sa botong 251-YES, 21-NO, at 2-ABSTAIN, nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 o ang tinatawag na “Economic Charter Change” o Economic Cha-Cha.

Nakuha ng bill ang kinakailangan nitong bilang ng mga boto, o 1/4 mula sa 300 miyembro ng Kamara.

Sa pagpasa nito sa Kamara, ihahatid na ang panukala sa Senado para sa kaukulang deliberasyon.

Ang panukalang batas ay naglalayong amiyendahan ang ilang mga probisyon sa 1987 Constitution na may kinalaman sa ekonomiya. Ang mga amiyenda ay nakikita na mga mambabatas bilang epektibo at nararapat ng tugon para maka-rekober ang ekonomiya ng bansa sa mapaminsalang epekto ng COVID-19 pandemic.

Batay sa mga probisyon ng Economic Cha-Cha, ang Article 12 o “National Patrimony and Economy,” Article 14 o ang mga patungkol sa “Education, Science, Technology, Arts, Culture and Sports,” at Article 16 o “General Provisions” ng 1987 Constitution ang nilalayong maamiyendahan ng panukalang batas.

Subalit hindi isinama ang Section 7 ng Article 12 o ang probisyon tungkol sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan.

Isisingit din ang “unless otherwise provided by law” na naglalayong luwagan ang limitasyon sa ilalim ng batas pagdating sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga negosyong may kinalaman sa likas na yaman o natural resources, public utilities, educational institutions, media at advertising sa bansa.

Gayunpaman, walang mga political amendments ang isisingit sa Economic Cha-Cha, pagtitiyak ng Kamara.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: