DTI, mamamahagi ng 20Milyon piraso ng washable face mask sa publiko

Nakatakdang mamahagi ang Department of Trade and Industry (DTI) ng nasa 20 milyon piraso ng “reusable” washable face mask sa publiko.

Ang naturang hakbang ng ahensya ay base umano sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez III, ibabahagi ang naturang face mask sa pinaka mahihirap na Pilipino o ang “poorest of the poor” na mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang unang target beneficiaries yun pong mga under 4Ps, yung mga nakakatanggap po sa DSWD [Department of Social Welfare and Development], yung poorest of the poor families. Sila po ang pagbibigyan. Ang initial target po hopefully mga 20 million pieces,” pahayag ni Lopez sa panayam sa Teleradyo.

“Siguro po within one month, within two months, hopefully makumpleto namin yung 20 million (face masks),” dagdag ng kalihim.

Una ng inatasan ng pangulo ang DTI na ipagsama ang macro, small and medium enterprise (MSMEs), mga producers, cooperatives at community organizations na silang mangunguna sa produksyon ng mga washable face mask.

Sinabi pa ni Lopez na kasama rin ang mga Local Government Unit (LGU) sa nabanggit na proyekto upang mabigyan ng kabuhayan ang kanilang mga mamamayan bilang mga mananahi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.