Breaking News

Share this information:

SUGATAN ang isang dating municipal marshall makaraang manlaban ito sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Binaritan, Morong, Bataan alas 2:45 ng hapon nitong Sabado.

Sa report mula sa Morong PNP, kinilala ang suspek na si Romnick Flores, 31 anyos, dating municipal marshall at nakatira sa Brgy. Poblacion, Morong, Bataan.

Nabatid sa imbestigasyon na tinangka umanong agawin ng suspek ang baril ng isang pulis na nagpanggap na buyer (poseur buyer) hanggang sa kapwa sila bumagsak sa lupa at nabaril ang biktima sa paa nito.

Maagap ang naging aksyon ng mga kasamahang pulis at kaagad na naaresto ang suspek na mabilis na naisugod sa Morong Municipal Health Center para sa first-aid treatment.

Nakuha sa kanya ang 3 plastic sachets ng suspected shabu at P1,000 bill marked money.

Paglabag sa Sections 5 at 11 Article 2 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at direct assault upon an agent or a person in authority ang mga kinakaharap na kaso ng biktima. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: