DOLE, target mabakunahan ang mga OFW sa Araw ng Paggawa

Share this information:

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabakunahan ang mga overseas Flipiono workers (OFWs) sa darating ng Mayo Uno kung saan ginugunita ang Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magkakaroon ng job summits  sa Labor Day  kaya maaari din aniyang ipagpatuloy ang vaccination program sa sandaling may bakuna nang magagamit.

Sinabi ng kalihim na mismong ang National Task Force Against COVID-19  ang may plano ng pagbabakuna ngunit hindi naman binanggit kung ilang doses ang available ang inilaan para sa nasabing aktibidad.

Posible namang gamitin bilang vaccination site ang Bonifacio Shrine malapit sa Manila City Hall. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.