Budget para sa monthly allowance ng seniors sa Maynila, pirmado na

Nilagdaan na ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang pagpapalabas ng P51 milyon budget para sa monthly allowance ng  mga senior citizen na residente sa lungsod ng Maynila.

Mula sa kabuuang pondo,  P47 milyon dito ay ilalaan sa mga senior citizen na nakapagpalista na mula Enero hanggang Disyembre ng taon 2020.

Ang balanse na P3.974 milyon naman ay ilalabas para sa mga “newly-tallied” o bagong naitalang senior citizen sa Maynila.

Ang ipinamamahaging buwanang allowance para sa mga lolo’t lola  sa lungsod ng Maynila ay base sa pinirmahang ordinansa ni Mayor Domagoso na Ordinance No. 7954.

Itinakda sa ordinansa na magbibigay ng P500 buwanang pensyon sa mga kwalipikadong senior citizen, PWDs at solo parent na residente ng Maynila bilang bahagi ng amelioration program ng lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.