DOH, umaasang dadami pa ang mga Pilipinong magnanais maging “organ donor”

NANANALIG ang Department of Health (DOH) na maraming mga Pilipino ang magnanais maging “organ donor” upang matugunan ang bilang ng mga dumaraming pasyente na nangangailangan ng “live-saving transplants.”

Ayon sa DOH, halos 300 pasyente ang nahihintay para sa transplant ngayong Pebrero 2024 kung saan karamihan ay nangangailangan ng bagong kidney.

Ayon pa sa ahensya, ang chronic kidney disease (CKD) ay isa pa rin sa mga pangunahing nakamamatay na sakit sa Pilipinas.

Binanggit din ni National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Chief Transplant Coordinator Peter Paul Plegaria na humigit-kumulang na 2.3 milyong Pilipino na ang may CKD.

Ayon sa DOH, ang isang organ transplant ay nagkakahalaga ng mula P1.2 hanggang P1.7 milyong ngunit makakatulong naman ang gobyerno na mapababa ang singil sa operasyon.

Sinabi ni DOH Public Health Unit Head Dr. Maria Angeles Marbella, mayroong PhilHealth Z-Benefit Package ang pamahalaan sa pamamagitan ng PhilHealth, kung saan ang pasyente ay maaaring makatangap ng aabot sa P600,000 bilang subsidiya sa gagawing transplant o operasyon.

Dagdag pa ng DOH, nagbibigay sila ng impormasyon upang mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa kidney transplant at kung paano maging donor ang mga interesado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.