DOH sa publiko, panatilihin ang “Social Distancing” sa loob ng pampasaherong sasakyan

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging mas vigilante at tiyaking naoobserbahang mabuti ang physical distancing sa pagsakay nila sa mga pampublikong transportasyon ngayong tinaasan na ang passenger capacity ng mga ito at binawasan ang distansiya ng mga pasahero sa isa’t isa.

Ayon sa DOH, mas makabubuti rin kung lalahok lamang sila sa mga aktibidad o di kaya ay gagamit ng mga transportasyon kung saan tiyak na mayroong isang metrong distansiya sa pagitan ng bawat isa.

“Given the recent decision of the Department of Transportation to ‘optimize physical distancing in transportation’… we enjoin all Filipinos to be extra vigilant in situations where distancing cannot be practiced, and if possible, choose to participate in activities or use transport options that can afford at least [one meter] distancing,” anang DOH.

Nauna rito, inaprubahan ng pamahalaan ang pagbabawas ng social distancing sa public transport vehicles ng mula isang metro ay naging 0.75 metro na lamang simula kahapon, hanggang sa tuluyang maging 0.3 metro na lamang sa pagtatapos ng buwang ito.

“The DOH values the protection of lives and livelihoods, and we are for spurring economic recovery,” dagdag pa ng ahensya.

“The Department of Transportation, being the lead agency, shall be responsible for issuing and enforcing transport guidelines to ensure that the public’s health and safety shall not be compromised,” giit pa nito.

Hinikayat rin naman nito ang mga mamamayan na tiyaking bukod sa sapat na distansiya sa pagitan ng isa’t isa ay patuloy na tatalima sa iba pang health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para maiwasan ang hawakhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), gaya nang pagsusuot ng face masks at face shields,madalas na paghuhugas ng kamay, at iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.