Allowance ng mga senior citizen sa Maynila, doble na

DINOBLE na ang allowance ng mga senior citizen sa lungsod ng Maynila matapos lagdaan ang City Ordinance 9081 o ang dagdag na allowances sa mga lolo’t lola  na residente ng lungsod.

Ngayong ganap nang ordinansa,  magiging P1, 000 na ang monthly allowance mula sa dating P500. 

Matatanggap na rin ito ng mga Lolo at Lola kada ikatlong buwan.

Sa tala ng Senior Citizens Affairs, nasa 203,000 na mga Lolo at Lola ang makikinabang sa bagong ordinansa.

Sisimulan ang batas sa January 2025 kung saan sa unang tatlong buwan ay makukuha na ng mga lolo’t lola ang P3,000.00 na allowance.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna-Pangan, agad silang gumawa ng hakbang para sa kapakanan ng mga senior citizen.

Aniya, naglaan sila ng pondo para sa dagdag na monthly allowances at hindi na rin problema ang mga gamot na kakailanganin ng mga senior citizen dahil libre na nila itong makukuha sa health centers. 

Dagdag pa ng alkalde  mas magiging maayos ang proseso sa distribusyon ng allowances ng senior citizens upang lahat ay makakatanggap nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.