DOH, muling kinalampag ng mga health worker

MULING kinalampag ng mga health worker ang Department of Health (DOH) dahil sa pagbabalewala sa kanilang mga benepisyo, karapatan at kanilang kalusugan.

Kasabay nito, nanawagan ang Alliance of Health Workers sa agarang pagpapatalsik kay Health Sec. Francisco Duque III na siyang may pananagutan sa lahat.

Hanggang ngayon matapos ang tatlong buwan mula nang magbigay ng ultimatum sa DOH at sa gobyerno para sa paglabas ng kanilang inaasam na COVID-19 benefits, hanggang ngayon ay bigo pa rin ang DOH at gobyerno na ibigay ito sa mga health workers.

Ayon kay Cristy Donguines, Presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-AHW, nakakakuha lamang ng 30 porsyento ng pondo mula sa DOH ang mga health workers sa DOH-retained hospitals para sa kanilang meals, accommodation at transportasyon para sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre 2020.

“The remaining 70 percent were withheld by the DOH. Likewise, many from my fellow health workers in the DOH hospitals like RITM (Research Institute for Tropical Medicine), and some private and LGU (local government unit) hospitals did not receive their COVID-19 benefits,” ayon pa kay Donguines.

HInamon din nito si Duque na ilabas ang opisyal na listahan ng lahat ng health workers na nabigyan na ng nasabing mga benepisyo.

Sinabi nito na tigilan na ang pagpapakalat ng o paglabas ng kasinungalingan na nai-release na ang kanilang benepisyo.

It is more demoralizing that apart from the withheld, unpaid and long overdue benefits, the DOH and the Duterte government intentionally did not allot funds for COVID-19 benefits to all health workers for the year 2022,” ayon naman kay Ernesto Bulanadi, Presidente ng Tondo Medical Center Employees Association-AHW. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.