KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na ang unang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 ay natuklasan sa isang Filipino na walang travel history.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang pasyente ay nakarekober na matapos na makaranas ng mild symptoms ng sakit.
Sinabi ni Vergeire sa press briefing na natukoy ng DOH ang pagkakilanlan ng mga close contacts ng pasyente na pawang mga asymptomatic.
Aniya, ang mga sample ng mga pasyente ay nakolekta noong Enero 9.
“Sa ngayon tapos na rin kung saka-sakali ‘yung stage where they need to quarantine para lang mapigilan natin ang transmission ng sakit na ito,” ani Vergeire.
Ayon sa DOH, inuri ng European Centre for Disease Prevention and Control ang XBB.1.5, na offshoot ng XBB subvariant, bilang variant of interest dahil sa pagtaas ng prevalence nito sa buong mundo at pinahusay na mga immune-evading na katangian nito.
Natukoy ang variant sa 59 bansa sa anim na kontinente ayon sa sequence na isinumite sa Global Initiative on Sharing Avian Influenza Data (GISAID), isang global platform para sa COVID-data.
“Currently, the subvariant is still reported under XBB by the WHO (World Health Organization) and will remain classified under Omicron until sufficient evidence arises showing that the virus characteristics are significantly different from Omicron,” sabi ng DOH.

