DOH, hiniling na palawigin ang pagbabakuna ng second booster dose sa mga seafarers at OFWs

Share this information:

HINILING ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na palawigin ang pagbabakuna ng pangalawang booster dose sa mga marino at overseas Filipino workers, base sa sinabi ng Vaccine Expert Panel (VEP) ngayong Biyernes.

Idinagdag pa ni VEP member Nina Gloriani na ang FDA ay hindi pa inaaprubahan ang pagbabakuna sa pangkalahatang populasyon para sa second booster dose.

Inirerekomenda ito lalo na sa may maraming comorbidities kahit hindi kasama sa ilalim ng dinefine ng World Health Organization na immunocompromised.

Nauna nang itinulak ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagpapalawak ng second booster dose sa mga overseas workers at uniformed personnel.

Samantala, umaasa si Gloriani na ang second booster doses ay palawigin sa mga indibidwal na may comorbidities.

Sa kasalukuyan, tanging mga  healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised individuals ang karapat-dapat para sa  second booster dose.

Ayon sa DOH, ang mga immunocompromised na indibidwal ay ang mga nasa immunodeficiency state, may HIV, active cancer o malignancy, transplant recipients, sumasailalim sa steroid treatment, mga pasyenteng may mahinang prognosis/bed-ridden na pasyente, at iba pang kondisyon ng immunodeficiency na sertipikado ng mga manggagamot.

Kasama sa mga indibidwal na may mga kasamang sakit o ang priority group na A3 ang mga nasa hustong gulang na 18 hanggang 59 na may anumang “controlled comorbidity.”

May mga marami pong sakit na maraming gamot na iniinom ay meron din somehow immunocompromised condition po ‘yan. So sana masama na rin ang A3,” sabi pa ni Gloriani.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.