Breaking News

Share this information:

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na handa itong buksan ang pinto para  sa lahat ng katanungan.

Ito ay patungkol sa akusasyon ng korapsyon ni Senator Manny Pacquiao sa kagawaran.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, sinabi nito na palagi itong transparent at cooperative sa auditing efforts ng  gobyerno.

While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, we submit ourselves to inquiries from legislators as this is a part of the checks and balances in our government. I have always been a champion of good governance and the DOH has always been transparent with regard to our fund utilization,” pahayag ni  Health Secretary Francisco Duque III. 

Handa umano ang DOH na ilabas kung saan napunta ang mga inutang para sa bakuna.

Bukod dito, sinabi ng kagawaran na kinakailangang makatuwiran na gamitin ang pondo nito upang patuloy na ipatupad ang Universal Health Care Law at matiyak na hindi masisira ang  paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan habang tumutugon sa  COVID-19 pandemic  upang makapagbigay ng mas maayos na kalusugan sa mga Pilipino.

 “Kung ang tanong ay kung handa kaming ipakita kung saan napunta ang pondo, handang-handa po kami. We submit reports to concerned government agencies and even the Senate. Ang utang po natin para sa bakuna ay naipaliwanag na noon ng Department of Finance sa Senate Committee of the Whole hearing — ang inutang na pondo ay diretsong napupunta sa vaccine manufacturer mula sa funding agency. Hindi po dumadaan sa DOH o maski na sa gobyerno ang pera mula sa mga funding agencies,” dagdag pa ni Duque. 

Sa ilalim ng liderato ni Duque, ang DOH noong April 30 ay lumagda ng  Manifesto of Pledge of Cooperation and Oath of Honesty for Project KASANGGA kasama ang Presidential Anti-Corruption Council (PACC). 

Sa ilalim ng Project KASANGGA, nangangako ang mga ahensya ng gobyerno na bawasan ang mga insidente ng katiwalian sa pamamagitan ng mabilis na pagtuklas, pag-uusig, at paglutas sa mga kaso ng graft and corruption sa kanilang departamento. 

Hindi pa tapos ang pandemya. Bilang bansa, isa lang dapat ang ating mithiin — at iyan ang i-knock out ang COVID-19,” giit  pa ni  Duque.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: