BOC, nakasabat ng P10-M halaga ng smuggled na sibuyas

Share this information:

MULING nakasabat ng tinatayang aabot sa P10 milyong halaga ng smuggled na sibuyas ang Bureau of Customs (BOC) noong Hunyo 28.

Sa pamamagitan ng issuance ng Pre-lodgment Control Order (PLCO), ang dalawang shipment ay naka-consign sa  E. Austero Merchandising.

Ayon sa BOC galing ng China ang nasabing produkto na idineklarang ice cream.

Nadiskubre ang mga sibuyas  na nakalagay sa loob ng mga ice cream container nang ito ay suriin at dumaan sa 100 percent examination at x-ray.

Dahil dito agad na naglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento para sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). 

Sa kanyang pahayag, inulit ni Manila International Container Port District Collector Romeo Allan Rosales ang pangako ng ports  na pigilan ang pagpasok ng mga ilegal na produkto sa bansa kabilang ang  agricultural products .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.