SINABI ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi bababa sa 255,429 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tinanggap at ipinadala ng ahensya sa ibang bansa para magtrabaho.
Ang bilang ay 45 porsiyentong mas mataas kaysa sa rekord ng deployment noong nakaraang taon mula Hulyo hanggang Oktubre, sabi ni DMW Secretary Susan Ople.
“Based on data generated by the Philippine Overseas Employment Administration (POEA), around 255,429 Filipino workers were able to land jobs abroad in the first 100 days of the Marcos administration. This number is higher by 45 percent compared to the deployment of migrant workers from July to October last year,” dagdag pa Ople
Ayon sa ahensya, ito ay bahagi ng mga nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang 100 araw bilang Pangulo ng Pilipinas.
Sa “First 100 Days Report” nito, binanggit din ng DMW ang flagship program nito para sa mga anak ng Filipino migrant workers sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Napansin din ni Ople na mas marami ang mga oportunidad sa trabaho para sa mga OFW, naging mas mabilis ang pagtugon para sa repatriation assistance, at mga mas mahusay at malikhaing programa ang naitala sa unang 100 daang araw ng administrasyon ni Marcos Jr.
Nakikita ng DMW ang mas mataas na turnout ng OFW deployment ngayong taon dahil sa pag-alis ng mga paghihigpit sa pagpapadala ng mga domestic worker sa Kingdom of Saudi Arabia simula Nobyembre 7.
Sinabi ni Ople na bukod sa komprehensibong pagsisikap na bigyang-daan ang mga migranteng manggagawa na makakuha ng disenteng trabaho sa ibayong dagat, pinananatili rin ng DMW ang “One Repatriation Command Center” upang matiyak na makakauwi ang mga distressed OFW sa kani-kanilang pamilya.
Aniya, ang iba pang mga nakabinbing kaso ay nasa negosasyon na ngayon.
Hinimok ni Ople ang publiko na makipag-ugnayan sa hotline na DMW 1346 para sa mga repatriation assistance.
Ang mga pamilyang OFW at mga distressed na manggagawa ay maaari ding magpadala sa kanila ng e-mail sa pamamagitan ng [email protected].