Direktor ng JJASGH at Dangal ng Bayan awardee, binigyang-pugay ng pamahalaang lungsod ng Maynila

Share this information:

BINIGYANG-PUGAY ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila si Dra. Merle Sacdalan Faustino, Direktor ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) at 2022 Dangal ng Bayan Regional Winner dahil sa matino, maayos at katangi-tanging pamamalakad nito sa ospital na kanyang pinamumunuan,

Ang pagbibigay-pugay ay pinamunuan ni Manila City Administrator Bernie Ang, ang sponsor ng nasabing okasyon.

Ginawaran ng Civil Service Commission (CSC) bilang isa sa Most Outstanding Public Officials and Employees at idineklarang Regional winner para sa Dangal ng Bayan category si Dr. Faustino noong Hulyo 18, 2022 sa isinagawang flag-raising ng Maynila sa Kartilya ng Katipunan na ipinagkaloob nina Director Claudia Tan ng CSC Manila Field Office at Manila Mayor Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan.

Ayon sa  Section 27 RA 2260 o ang Civil Service Act of 1959, Presidential Decree No. 807 of 1975 at Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, nilikha ang Honor Awards Program upang magbigay-parangal na Presidential o Lingkod Bayan Awards at Most Outstanding Public Officials and Employees o Dangal ng Bayan Award.

Ang pangunahing batayan sa nominasyon ang Outstanding Work Performance o katangi-tanging pagtupad sa tungkulin at Exemplary Ethical Behavior.

Ang Presidential or Lingkod Bayan Award ay iginagawad sa indibidwal o grupo na lumikha ng mahalagang kontribusyon na may mahalagang impact sa pambansang interes, seguridad at patrimonya.

Ang Dangal ng Bayan Award ay iginagawad sa indibidwal o grupo na taglay ang walong katangian o prinsipyo na nakasaad sa RA 6713: commitment to public interest (paninindigan sa pampublikong interes), professionalism (propesyunalismo), justness and sincerity (makatwiran at sinsero), political neutrality (walang kinikilingan), responsiveness to the public (pagresponde sa pangangailangan ng publiko), nationalism and patriotism (pagka-makabayan at patriyotiko), commitment to democracy (paninindigan para sa demokrasya) at simple living (simpleng pamumuhay).

Pinatunayan ni Dra. Sacdalan sa kanyang termino bilang Direktor ng JJASGH na maaasahan ito sa panahon ng kalamidad at pandemya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.