Ayuda para sa mga biktima ng lindol, inilunsad ng DOLE

INILUNSAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang iba’t-ibang programa ng ayuda para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang naturang hakbang ay tugon sa panawagan ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno na tumulong sa mga tinamaan ng lindol sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay Laguesma, naglaan ito ng inisyal na P50 milyon para sa emergency employment sa dalawang rehiyon.

Ayon sa DOLE, ang Ilocos Sur ang epicenter ng 7-magnitude na lindol na tumama sa Luzon nitong unang bahagi ng linggo. Bukod sa pagkamatay ng apat na tao at pagkasugat ng daan-daan, nawasak din ng malakas na pagyanig ang mga ari-arian na nagkakahalaga ng bilyong piso, na nagresulta sa pagsasara ng mga tindahan at pagkawala ng trabaho.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang DOLE para maghatid ng tulong sa Region 1 at CAR kung saan higit na naramdaman ang masamang epekto ng kalamidad.

Upang mapalakas ang calamity response ng estado, sinabi ni Laguesma na sisimulan ng DOLE ang kanilang rehabilitation program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa trahedya.

In particular, we are rolling out the Tulong Panghanapbuhay sa Ating  Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program for the quake victims,” dagdag ni Laguesma

Sinabi ni Laguesma na sasaklawin ng programa ang apat na apektadong munisipyo sa CAR kabilang ang 37 barangay sa rehiyon. 

Sinabi ng labor chief na nagsimula na silang mag-profile ng mga benepisyaryo para sa TUPAD program. 

Aniya, ang DOLE ay aktibong miyembro ng Rehabilitation and Recovery Cluster sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni Laguesma na tinitingnan din ng DOLE ang paggamit ng iba pang mga recovery measure na kinabibilangan ng employment facilitation sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) para sa mga indibidwal na nawalan ng trabaho.

The activity will include referral, placement, and the conduct of Special Risk Allowance (SRA) and job fairs in the region,” sabi pa ng kalihim.

Sa Region 1, naghatid ng tulong ang DOLE sa Ilocos Sur at nangakong tutulong sa ibang bahagi ng lalawigan sa mga susunod na araw. 

Gamit ang TUPAD, sinabi ni Laguesma na nag-tap ang DOLE ng 800 emergency workers para lumahok sa paglilinis at pag-recycle ng mga operasyon sa Vigan City.

Ang mga katulad na gawain ay ginawa sa pitong iba pang mga bayan tulad ng Lidlidda, Sugpon, Caoayan, San Emilio, Galimuyod at Santa Cruz, sabi pa nito.

They started working yesterday (July 28) to provide help to affected communities,” sabi ng  Labor Secretary dagdag pa na kabuuang  P4,666,400 ang inilaan para sa programa.

Sinabi ng kalihim na ang DOLE ay susuporta sa iba pang ugar na apektado ng sakuna.

 “Help is on the way to the other three provinces of Region 1 where TUPAD will also come into play.”

Ang mga field offices ng DOLE sa Region 1  ay nakikipag-ugnayan na rin sa local gvernement units at iba pang ahensya para sa convergent assistance.

Dagdag pa ng kalihim na ang TUPAD ay ang inisyal na hakbang ng DOLE upang tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

 “We shall tap other available programs very soon to help our needy countrymen,” ayon kay Laguesma..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.