Diarrhea outbreak sa Cavite; 2 bata patay

Share this information:

NASAWI ang dalawang bata bunsod sa paglaganap ng diarrhea outbreak sa tatlong barangay sa bayan ng Tanza, Cavite.

Kabilang sa mga lugar na apektado ng outbreak ay ang barangay ng Calibuyo, Punta 1 at Sahud Ulan.

Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, municipal health officer ng Tanza, ang Barangay Calibuyo ay mayroon din na isang kaso ng cholera.

Sinabi ni Punzalan na may 20 diarrhea cases ang kanilang naitala na kung saan ang outbreak ay nagsimula pa nitong Oktubre 19.

“Total of 20 cases ang tinamaan ng diarrhea outbreak at may dalawa na kaming death na 9-year old at isa pang child,” pahayag ni Dr. Punzalan.

Batay sa report, ang dalawang bata ay dinala sa magkahiwalay na ospital para isailalim sa gamutan matapos tamaan ng naturang sakit subalit binawian ng buhay kinabukasan dahil sa “severe dehydration”.

Nabatid sa isinagawang pag-iimbestiga, lima sa pitong water sources sa bayan ng Tanza ay kontaminado at pawang may mga mabababaw na balon. Patuloy na tinutulungan ng municipal health office ang apektadong mga barangay na mabigyan sila ng malinis na tubig.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.