12-anyos na lalaki doa sa hospital muling nabuhay

Share this information:

MILAGROSO na maituturing ang pagkabuhay muli ng isang 12-anyos na lalaki na idineklara ng dead-on-arrival (DOA) sa ospital matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa Quezon City.

Ang muling pagkabuhay ng bata na itinago sa pangalang “Joshua” ay dahil sa ginawang pag-revived sa kanya ng mga duktor sa Capitol Medical Center sa lungsod.

Ayon kay Dr. Noli Rifareal, ang Emergency Medicine consultant ng nasabing ospital, idineklara ng dead on arrival ang bata o “clinical dead” nang maisugod ito sa kanila.

Subalit makalipas ang 32 minuto na pagsasailalim sa pag-revived ng mga duktor sa bata ay bigla na lamang itong nagkaroon ng pagpitik sa pulso nito hanggang nabuhay ng tuluyan.

Sa kasalukuyan ay nasa ligtas ng kalagayan ang bata at patuloy na nagpapagaling.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang Police Station 2 (Masambong) ng Quezon City Police District (QCPD) sa insidente sa pag-suicide ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay Mariblo pasado alas 11 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 6, 2021.

Batay sa salaysay ng magulang ng bata, nadiskubre na lamang nila na nakabigti ito at “unconscious”.

Base naman sa findings ng mga duktor, nagkaroon ng Asphyxiation 2nd degree to strangulation injury ang bata sa tangkang pagpapakamatay nito.

Samantala, naghain naman ng kasulatan ang magulang ng bata para iatras ang anumang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at naniniwala silang walang nangyaring foul play sa pag-suicide ng kanilang grade 6 student na anak.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Diarrhea outbreak sa Cavite; 2 bata patay

Sun Nov 7 , 2021
NASAWI ang dalawang bata bunsod sa paglaganap ng diarrhea outbreak sa tatlong barangay sa bayan ng Tanza, Cavite. Kabilang sa mga lugar na apektado ng outbreak ay ang barangay ng Calibuyo, Punta 1 at Sahud Ulan. Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, municipal health officer ng Tanza, ang Barangay Calibuyo ay […]
%d bloggers like this: