DFA, maghihigpit na din sa mga hindi bakunado na aplikante ng passport

Share this information:

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapatupad na din ito ng paghihigpit sa mga maga-apply ng passport subalit hindi pa bakunado sa mga tanggapan nito na matatagpuan sa mga mall.

Sa isang public advisory na inilabas ng DFA Office of the Consular Affairs, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay ipatutupad nito sa lahat ng Consular Offices at temporary off-site passport services sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 3.

Bukod sa mga hindi pa nababakunahan, kasama sa mga hindi papayagan na makapasok sa naturang mga tanggapan ay ang mga bata.

Hindi kasi maaaring suwayin ng mga Consular Offices ng DFA ang anumang ipinatutupad na security at health protocol ng host mall ng DFA, ayon sa abiso.

Dahil dito, pinapayuhan na ng DFA ang mga aplikante ng passport na hindi pa bakunado, pati na ang kanilang kasamang menor-de-edad, na alamin muna ang patakaran ng mall kung saan sila may schedule of appointment bago magtungo dito.

Dagdag pa ng DFA na maaari naman magpa-reschedule na lamang hanggang hindi pa sila nababakunahan o kaya ay ibinaba na ang alert level sa lugar ng mall na kanilang pupuntahan.

Kooperasyon din mula sa publiko ang hiling ng DFA habang pinipilit nito na maibigay ang serbisyo sa mga ito na hindi naman nasasaalang-alang ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 booster rollout sa bansa ay "relatively slow" -- Galvez

Wed Jan 5 , 2022
INAMIN ni National Task Force against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na may kabagalan ang COVID-19 booster dose rollout sa bansa. Nasa 2.5 milyon naman na mga senior citizens ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19. Ito ang tinuran ni Galvez sa Talk to the […]
%d bloggers like this: