Healthcare utilization rate sa NCR, lumalapit na sa “moderate risk” — Duque

LUMALAPIT na sa “moderate risk” ang health care utilization rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa ginanap na Laging Handa public briefing, sinabi nito na mayroong 34,000 COVID-19 beds at mahigit sa 3,000 intensive care unit o ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa buong bansa.

Para sa NCR naman, nasa mahigit 9,000 ang mga kama para sa COVID-19 patients at 1,200 na mga kama para sa ICU.

Sinabi ni Duque na binabantayan ang naturang kapasidad at bagama’t sa kasalukuyan ay nasa “low risk” pa ang health care utilization rate sa Metro Manila, papalapit na ito sa moderate risk kung saan nasa 50 hanggang 70 porsiyento ang threshold ng utilization rate.

Kung sakaling namang sumampa sa “high risk,” ito ay 70 porsiyento o mahigit pa na occupancy rate.

Samantala, sinabi ni Duque na kanya nang inatasan ang One Hospital Command na ipaalala na panatilihin ang 30-porsiyento na COVID-19 beds sa mga pampublikong ospital at 20 porsiyento para sa private hospitals.

Maaari namang maitaas ito sa 50 porsiyento kapag hindi tumitigil ang pagtaas ng mga kaso o mas marami ang mga pasyenteng kailangang ma-admit sa mga ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.