Breaking News

Share this information:

MAYRUON nang mga kumpirmadong kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang Quezon City na isa umanong returning overseas Filipino worker.

Ayon sa Quezon City LGU, ang 34-anyos na pasyente ay mula sa Saudi Arabia na dumating sa Pilipinas nuong Hunyo 24 at nananatili sa isang hotel sa Makati City sa loob ng 10 araw para sa mandatory quarantine bago lumipat sa isang hotel sa Maynila mula nuong Hulyo 4 hanggang 11.

Gumaling na ang symptomatic o may sintomas na pasyente nuong Hulyo 11.

“He experienced a slightly itchy throat on June 28 and was swabbed on June 30. He was considered recovered and was allowed to go home to his family on July 11,” ayon sa QC LGU.

Naipabatid lang sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Disease Unit (CESU) ang resulta ng genome sequencing nuong Linggo ng gabi kaya’t agad na ring isinailalim sa swab test ang lalaki gayundin ang kanyang pamilya.

Nasa ilalim na ng mahigpit na home quarantine ang bahay ng pasyente upang maiwasang kumalat ang sakit.

“He will undergo another swab test, along with his family, as part of our protocol even if he is considered a recovered patient. We are doing extensive contact tracing on his close contacts just to make sure,”ayon kay CESU head Dr. Rolly Cruz.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Quezon City LGU sa isa pang lokal na pamahalaan makaraang makumpirmang may Delta variant ang isang construction worker na nagtatrabaho sa pabrika sa lungsod ngunit nakatira sa ibang siyudad.

Maging ang buntis na asawa ng manggagawa ay natukoy na mayruong severe respiratory ailment.

“CESU has been conducting contact tracing and swabbing at his place of work since Saturday. There are no reported cases yet at his place of work but we are doing this as a preventive measure to make sure we contain any possible transmission early,” dagdag ni Cruz.

Nauna nang naiulat na nakaranas ng kakapusan ng paghinga, sipon, lagnat at pananakit ng lalamunan ang manggagawa nuong Hulyo 4. Kinubukasan ay nagpositibo sa swab test ang lalaki.

Agad na dinala sa Philippine General Hospital ang lalaki at gumaling nuong Hulyo 18. Bagamat walang sintomas, nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ng construction worker nuong Hulyo 8 at Hulyo 17.

Kasalukuyan nang nasa quarantine facility ang mag-asawa. Sa ngayon ay umaabot na sa 119 ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas. Apat na sa nasabing bilang ang namatay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: