3 dam sa Luzon, nagpapakawala ng tubig

Share this information:

PATULOY na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Benguet at Bulacan dahil sa pag-ulang dala ng southwest monsoon o Habagat.

Partikular na nagbukas ng mga gate para magpakawala ng tubig ay ang Ambuklao Dam sa Bokod, Benguet;  Binga Dam sa Itogon, Benguet; at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Inabisuhan na ang mga residenteng malapit sa mga dam at sa daluyang tubig o ilog na paghandaan ang mga posibleng pagbaha lalo na kung magtutuluy-tuloy ang pag-ulan.

Hanggang alas-sais ng umaga ng Lunes, umaabot sa 100.76 meters ang tubig ng Ipo Dam na halos umabot na sa normal high water level nito na 101.0 meters.

Ang Ambuklao Dam ay nasa 751.21 meters na ang tubig na halos aabot na sa normal na antas na 752 habang ang Binga Dam ay nasa 573.14 meters o malapit nang lumagpas sa 575 meters na normal level.

Ayon pa sa PAGASA, ang ibinuhos na ulan mula lamang nuong Hulyo 19 hanggang 24 ay umabot ng 505.5 millimeters o sumobra na sa normal na rainfall amount para sa buong buwan ng Hulyo na 493.3 meters.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.