Daulah Islamiya bomber, sumuko sa mga militar sa North Cotabato

NAGBALIK-LOOB sa pamahalaan ang isang bomb maker o taga-gawa ng bomba ng grupong Daulah Islamiya (DI) sa Carmen, North Cotabato.

Ito’y sa gitna ng panawagan sa mga rebelde at lokal na terorista na sumuko na.

Hindi pinangalanan ang sumuko pero ayon sa ulat mula kay Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 56 Infantry Division, kasama sa high-value target ang sumukong miyembro ng DI.

Kasama ring isinuko ng miyembro ng DI sa militar ang kanyang mga armas.

Ie-enroll naman ang sumuko na miyembro ng DI sa DIWATA HAVEN o Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka – Hadlangan ang Violent Extremism Program sa North Cotabato at siya ay makakatanggap ng livelihood package at tulong pinansyal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.