NAGKAROON umano ng problemang teknikal kayat nasa 3,803 lamang ang naitalang bagong mga kaso ng Covid 19 na inilabas nitong araw ng Linggo, May 23, 2021.
Ito ang inamin kahapon ng tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nagsabing may mga datos na hindi pumasok sa kanilang COVID-19 database depository kayat mababa ang datos na inilabas.
Ayon kay Vergeire, patuloy aniya na inaayos ang isyung teknikal katuwang ang DICT o Dept of Information and Communications Technology.
Umaasa aniya silang mailalabas na ang tamang datos sa mga bagong kaso ng nahawaan ng naturang virus sa susunod na mga araw.