Dating policewoman, arestado sa Maynila

Share this information:

ARESTADO ang isang dating policewoman  na nahaharap sa kasong malversation of public funds  sa Sta. Cruz, Maynila. 

 Kasalukuyang nakadetine sa Manila Police District Station 3 si  Evelyn Guerrero Tacadena, 28 anyos, residente ng  1421 Soler St. Sta. Cruz, Maynila. 

Si Tacadena ay dating nakatalaga sa  Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. 

Nabatid na inaresto si Tacadena sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Municipal Trial Court Judge  Hon.  Peter  Sia Abelita.

 Si Tacadena ay nahaharap sa kasong paglabas sa Art.  217 ng Revised Penal Code. 

Nasa P36,000 ang inirekomendang piyansa ng korte. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.