Dating opisyal ng MPD, nasawi sa COVID-19

Share this information:

Nasawi ang isang dating opisyal ng Manila Police District (MPD) na nalipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa COVID 19 kahapon ng madaling araw.

Ayon sa impormasyon na nakuha sa MPD, nasawi si PLt. Col. Eugenio Extramadura habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) dakong ala 1 ng madaling araw.

Nalaman na si Extramadura ay nagpositibo sa SARS-CoV-2  at kasunod nito ay na-confine sa nabanggit na pagamutan sa Quezon City.

Huling naitalaga si Extramadura bilang hepe ng Manila Police District-District Headquarters Security Unit (MPD-DHSU) at nang lumipat ang noon ay si MPD PBrig. Gen. Vicente Danao sa NCRPO ay sumama si Extramadura.

Kaugnay nito, nalaman sa Philippine National Police (PNP) na  aabot na sa 16,000 pulis ang nagpositibo na sa COVID19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Gov’t mulls 24/7 vaccination

Sat Mar 13 , 2021
A TOP Palace official underscored the need for a round-the-clock vaccination scheme against COVID-19 to be able to hit its target of inoculating 50 to 70 million Filipinos by the end of the current year. At the Laging Handa press briefing, National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince […]

Follow Us

%d bloggers like this: