COVID-19 cases, pumalo sa 5,000 ngayong araw

Share this information:

Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ngayon taon ang Departmenmt of Health (DOH).

Sa pinakahuling datos ng DOH ngayong March 13, umabot sa 5,000 ang naitalang bagong kaso kung saan ito na ang pangalawang pinakamataas na bilang ng naitalang bagong kaso mula noong August 26, 2020 na nasa 5,277.

Sa ngayon, ang kabuuang kaso na ng COVID-19 sa bansa ay pumalo na sa 616,611.

Umabot naman sa 547,166 ang kabuuang bilang ng mga recoveries makaraang gumaling ang nasa 281 pang mga COVID-19 patient, habang ang bilang ng mga pumanaw sa bansa dahil sa sakit ay umakyat na sa 12,766 dahil sa karagdagang 72 na naitala ngayong araw.

Ang aktibong kaso naman ay umakyat na sa 56,679 kung saan sila ay patuloy na ginagamot sa mga quarantine facilities at ospital sa buong bansa.

Araw-araw ay tumataas ang bilang ng naitatalang kaso kaya naman ang DOH ay paulit-ulit ding nagpapaalala sa publiko na mag-ingat, sumunod sa minimum public health standards at safety health protocol dahil ito pa rin ang mabisang panlaban sa anumang variant o mutation na pumapasok sa bansa.

Nauna nang iniulat ngayong araw ng DOH na muling  nadagdagan  ang bilang ng mga nagpositibo  na nagtaglay ng UK at South African variant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.