Dating miyembro ng BIFF, sumuko sa NBI 

Share this information:

BOLUNTARYONG sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) combatant at close aide ng international terrorist na si Basit Usman.

Ayon sa NBI, si Manap K. Mamaluba ay pormal na sumuko sa NBI-Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (NBI-BARMM). Isinuko rin nito ang kanyang baril sa NBI.

Ang pagsuko ni Mamaluba ay nangyari sa tulong na rin ng kanyang tiyuhin na si Commander Tiger ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Municipality of Datu Abdullah Sungki si Mamaluba.

Itinurn-over naman ang baril ni Mamaluba sa NBI-Firearms Investigation and Laboratory Division para sa  ballistic examination.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.