Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang dalawang wanted person sa isinagawang joint operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Sa report PCMSgt. Gilbert Bansel kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PSMSgt. Joey Sia ng joint operation, kasama ang Station Intelligence Section (SIS), 4th Mobile Force Company (MFC) at Regional Mobile Force Battalion – National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) sa 1st St., Brgy. Tañong na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Denmark Labain, 27 anyos.

Ayon kay PCMSgt. Bansel, inaresto si Labain sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder na inisyu noong July 6, 2021 ni Hon. Misael Modelo Lagada, Presiding Judge RTC Branch 292, Malabon City.

Sa hiwalay na operation, naaresto din ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PSMSgt. Armando Isidro Jr., si Eduardo De Leon, 42 anyos, malapit sa kanyang bahay sa Valdez St., Brgy. Catmon dakong alas-9:15 ng gabi.

Si De Leon ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Theft na inisyu noong July 9, 2021 ni Hon. Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto, Presiding Judge, MTC, Branch 120 Malabon City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: