Dalawang tricycle driver, arestado sa P84k shabu sa Malabon

SWAK sa kulungan ang dalawang tricycle driver na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naarestong suspek na si Roberto Calixto, 54 anyos, ng Blk 24 Lot 4 2nd St. at Allan Almario, 40 anyos, ng 1st St., kapwa ng Brgy. Tañong.

Ayon kay Col. Villanueva, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng iligal na droga ng mga suspek kaya’t isinailalim sila sa isang linggong verification.

Nang makumpirma na tama ang ulat, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Amadeo Tayag Jr., ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa 2nd St. Brgy. Tañong dakong alas 7:30 ng gabi.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P10,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 12.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P84,320 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at siyam na pirasong P1,000 boodle money

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.