Dalawang probisyon ng Anti-Terror Law, idineklarang “unconstitutional”

Share this information:

IDINEKLARA ng Korte Suprema na unconstitutional ang dalawang probisyon ng kontrobersyal na Anti Terrorism Law of 2020. 

Sa botong 12-3, idineklarang unconstitutional ang Section 4 at Section 25 ng Republic Act 11479 habang mananatiling constitutional ang natitirang mga probisyon ng nasabing batas.

Ayon sa mga mahistrado, masyadong malawak ang probisyon ng Section 4 na maituturing na labag sa freedom of expression. 

Samantala, sa botong 9-6 naman ay idineklarang unconstitutional ang Section 25 na nagsasaad na “Meanwhile, Section 25 states that the Anti-Terrorism Council will automatically adopt the United Nations Security Council Consolidated List of designated individuals or groups designated as a terrorist, one who finances terrorism, or a terrorist organization.”

Hindi pa nagbigay ng paliwanag ang mga mahistrado higgil sa dahilan kung bakit ito naging unconstitutional. 

Samantala, legal at naaayon sa Konstitusyon ang probisyon na nagtatakda ng 12 taon pagkakakulong sa mga magtatangka na gumawa ng mga “acts of terrorism.” 

Naaayon din umano sa Saligang Batas ang 14 araw na pagkakulong sa mga pinaghihinalaang terorista, na maaari pang palawigin ng hanggang sampung araw.

Ang kontrobersyal na batas ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2020. 

Matapos nito ay umabot sa 37 petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ito ang isinampa sa Korte Suprema .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.