Cardinal Advincula, tinanggap ang kanyang “pallium” bilang arsobispo

Share this information:

TINANGGAP na ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kanyang pallium, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ang paggagawad ng “pallium” ay ginanap sa isang mataimtim na liturgical ceremony sa Manila Cathedral na pinangunahan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, sa isang misa na kung saan ipinaliwanag nito na ang puting tela na gawa sa “wool” ay ibinigay sa Arsobispo bilang tanda na siya ay magiging isang imahe ng Mabuting Pastol na naghahanap ng nawawalang tupa at nag-uuwi sa kanila nang may kagalakan.

Ang “pallium” ay isang liturgical vestment na isang simbolo ng awtoridad ng arsobispo at sa kanyang koneksyon sa awtoridad ng Santo Papa.

Sinabi rin ni Brown na si Advincula, bilang isang metropolitan archbishop  ay naatasang “maging mapagbantay sa buong lalawigan upang ang pananampalatayang Katoliko at buhay simbahan ay maingat na mapangalagaan at siya ay tinawag upang ipaalam sa papa.”

Tinutukoy nito ang kanyang nasasakupan kasama ang mga diyosesis ng Antipolo, Cubao, Imus, Caloocan, Malolos, Novaliches, Paranaque, Pasig, San Pablo, Military Ordinariate of the Philippines, at Apostolic Vicariates of Puerto Princesa at Taytay

Ang Rite of Investiture of the Pallium ay tradisyonal na ginagawa sa Vatican sa panahon ng Pista ng mga Santo Pedro at Pablo tuwing Hunyo 29.

Itinalaga ng Papa si Cardinal Advincula bilang Archbishop of Manila na sumunod kay Cardinal Luis Antonio Tagle, na itinalaga namang pinuno ng  Vatican’s Congregation for the Evangelization of Peoples.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawang probisyon ng Anti-Terror Law, idineklarang "unconstitutional"

Thu Dec 9 , 2021
IDINEKLARA ng Korte Suprema na unconstitutional ang dalawang probisyon ng kontrobersyal na Anti Terrorism Law of 2020.  Sa botong 12-3, idineklarang unconstitutional ang Section 4 at Section 25 ng Republic Act 11479 habang mananatiling constitutional ang natitirang mga probisyon ng nasabing batas. Ayon sa mga mahistrado, masyadong malawak ang probisyon ng […]
%d bloggers like this: