Dalawang pekeng online seller, timbog sa mga operatiba ng PNP-ACG sa Cavite

Share this information:

WALANG kawala sa mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dalawang pekeng online seller sa entrapment operation na ikinasa sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa PNP-ACG, ang mga suspek ay inaresto dahil sa sumbong ng isang biktima na hindi pa umano idinedeliver ng mga suspek ang inorder ng biktima na branded speaker na nagkakahalaga ng P14,500.

Matapos umanong magbayad ang biktima ay na-block agad siya ng mga ito sa Facebook.

Isa pang transaksyon ang kinasangkutan ng mga suspek kung saan hindi rin nila idineliver ang order sa kanilang blender na P3,000 ang halaga.

Dahil sa maigting na social media intelligence gathering ng PNP-ACG, natukoy ang kinalalagyan ng mga suspek kaya nagkasa agad ang kapulisan ng entrapment operation at agad inaresto ang mga ito.

Narekober ng mga pulis sa kanila ang mga cellphone at pera na nakuha sa mga biktima nila ng bogus na transaskyon.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang ang mga suspek na nahaharap sa paglabag sa Article 315 (Swindling/Estafa) sa ilalim ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.