Breaking News

Share this information:

ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang batang miyembro ng robbery-holdup group na bumibiktima sa mga gasoline station matapos ang isang habulan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni District Special Operation Unit-Northern Police District (DSOU-NPD) head Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23 anyos, ng Hidalgo St., Quiapo, Manila at John Ray Goopio, 19 anyos, ng Building 7 Katuparan Vitas, Tondo.

Armado ng cal. .45 pistol at cal. ;22 revolver ang dalawa nang lapitan ng mga ito ang cashier’s booth ng Shell gasoline station na matatagpuan sa C-3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan City dakong alas-11:30 ng gabi at tinutukan ang cashier na si Edmond Rivera, 39 anyos, sabay pahayag ng holdup.

Ayon kay officer-on-case P/MSgt. Julius Mabasa, kinuha ng mga suspek ang P7,290 cash at mabilis na tumakas subalit hinabol sila ng mga operatiba ng DSOU na nagsasagawa ng surveillance operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Sinabi ni Col. Dimaandal, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay mula sa impormasyon na ibinigay sa kanila ni Lt. Col. Manny Israel at Lt. Col. Calvin Cuyag ng Northern District Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Hulyo 6, 2021 hinggil sa isang grupo ng holdaper na nagpa-planong mang holdap ng gas station sa southern area ng Caloocan City.

Matapos ang halos dalawang linggong surveillance operation, natiyempuhan ng mga operatiba ng DSOU ang mga suspek na tumatakas matapos holdapin ang gas station at narekober sa kanila ang tinangay na pera at ginamit na mga baril sa panghoholdap.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: