Dalawang drug suspect, kulong sa P346k shabu sa Malabon

Share this information:

SA kulungan ang bagsak ng dalawang newly listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Irene Flores, 42 anyos, ng Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan city at Vincent Macapar, 27 anyos, ng Pampano St. Brgy. Longos.

Sa imbestigasyon ni PMSgt. Randy Billedo, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Pampano St. Brgy. Longos.

Nagawa ni PCpl. Emiel Jay Cantos na nagpanggap bilang buyer na makakuha ng P7,500 halaga ng shabu mula kay Flores.

Matapos tanggapin ni Flores ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Macapar.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 51 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P346,800 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

i-CLICK mo lang, ok na ‘yan: Teknolohiya para sa pag-unlad

Tue Nov 30 , 2021
WALANG duda na nabago ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo nang magsimula ang pandemya ng Covid-19 noong Marso 2020. Sa loob na isang taon at mahigit walong buwan, sari-saring uri ng lockdown at community quarantine ang naranasan ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas. […]
%d bloggers like this: