TINATAYA ng Light Rail Transit Authority o LRTA na magagamit na sa darating na Abril 26 ng kasalukuyang taon ang dalawang karagdagang istasyon nito hanggang Rizal province.
Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, papangalanan ang dalawang istasyon na Emerald station na nasa harap ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia sa Cainta at Masinag station na nasa Masinag Junction sa Antipolo City.
Ang LRT 2 East Extension project na pinondohan ng P2.27 billion ay inaasahan makapagpapabilis ng biyahe mula Rection station sa Maynila hanggang Masinag o hanggang 40 minuto na lang kumpara sa karaniwan na inaabot ng tatlong oras sa bus o jeep.
Kayang magsakay ng karagdagan pang 80,000 pasahero araw araw ang dalawang bagong istasyon sa loob ng unang limang taon nitong operasyon. Sa kasalukuyan ay nasa 240,000 ang average daily ridership ng LRT 2.