Dalawa, timbog sa shabu sa Navotas

Share this information:

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28, ng Inocencio St. Tondo, at Sharmaine Vergara, 26, ng Fabie St., Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2:55 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Genere Sanchez sa R10, Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga, buy bust money at P500 bills.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Ibayong higpit sa pagpapatupad ng health protocols -- MPD

Fri Jan 15 , 2021
Lalo pang paiigtingin ng  Manila Police District (MPD) ang pagpapatupad sa minimum health protocols, partikular sa mga debotong magtutungo sa Sto. Niño Church bilang  bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa kapistahan ni Sto. Niño de Tondo  at Pandacan. Isa sa ginawang paghahanda  ng kapulisan  ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: