Dahil sa pagnanakaw ng tsokolate, kelot, ikinulong sa Malabon

Share this information:

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang lalaki matapos itong arestuhin dahil sa pagnanakaw ng mga tsokolate sa loob ng isang convenience store sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na si Ronnel Torremonia, 31 anyos, ng Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog, ay nahaharap ngayon sa kasong theft.

Batay sa report ni PCpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-5:13 ng hapon nang pumasok ang suspek sa isang convenience store na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., Brgy., Tinajeros.

Kumuha ang suspek ng limang pirasong Toblerone chocolate bar na nasa P735 ang halaga at 15 pirasong Cadbury dairy milk chocolate bar na nasa P2,370 ang halaga subalit nakita ito ni Carolina Lacebal, 40 anyos, shift supervisor ng naturang convenience store ang kahina-hinalang kilos ni Torremonia.

Nang lumabas ang suspek, hinabol siya ni Lacebal hanggang sa makorner sa labas at kaagad na humingi ng tulong ang complainant sa mga tauhan ng Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Torremonia at nabawi sa kanya ang mga naturang tsokolate.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.