Dahil sa ‘face to face’ seminar sa Zambales; 9 school officials, nagka-COVID 19

DAHIL sa pagdaraos ng ‘face to face’ seminar sa isang beach resort sa Iba, Zambales kung saan nasa mahigit 300 school officials ang lumahok ay siyam sa kanila ngayon ang nagpositibo sa COVID-19 infections.

Kaugnay nito ay naglabas na ng memorandum order ang Department of Education (DepEd)-Region 3 na nagbabawal sa mga guro na magdaos ng face to face na mga seminar o pagsasanay.

Ang naturang kautusan ay kasunod ng pagkaka-positibo sa COVID-19 sa siyam na guro na dumalo sa seminar na isinagawa sa Bakasyunan Resort.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng Provincial Health Office (PHO), siyam ang nagpositibo sa virus infections.

Nagpaalala ang DepEd na gawin na lang na virtual o online ang mga seminar at pagsasanay upang maiwasan ang pagkahawaan sa isat-isa.

Ipinag utos na rin ng kagawaran sa mga school division na istriktong ipatupad ang mga health protocols.

Tiniyak din ng DepEd na babantayan nila ang mga eskwelahan kung sumusunod ba ang mga ito sa mga alituntunin sa pag iingat sa virus infections.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.