Pulis na AWOL at lider umano ng criminal group, patay sa engkuwentro

Share this information:

BATANGAS–Napatay ang isang AWOL (Absent Without Leave) na pulis at sinasabi ding lider umano ng criminal group matapos itong manlaban sa mga pulis kagabi sa Lipa City, Batangas.

Natukoy ng pulisya ang suspek na si Anthony Cubos o alyas “Big Boss,” na sinasabing AWOL mula sa Philippine National Police (PNP).

Sa pinagsanib na pwersa ng Lipa City Police Station Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Valenzuela City Police, dala nila ang warrant of arrest upang ihain kay Cubos dahil sa pagiging mastermind umano nito sa pagpatay sa isang messenger sa isang kumpanya sa Valenzuela noong nakaraang Oktubre 2020.

Napatay si Cubos matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad habang tinatangkang tumakas  .

Base sa talaan ng pulisya, si Cubos ay kinikilalang lider ng Cubos Criminal Group na sangkot sa kidnapping, robbery, extortion, gun-for-hire at illegal drug activities sa lugar.

Kabilang din umano ito talaan ni drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng PNP National Drug Watch List ng  mga pushers at protektor ng mga sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.