Dagdag suweldo sa CAR, MIMAROPA, posibleng maaprubahan bago matapos ang taon

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng maaprubahan ang dagdag suweldo sa mga manggagawa sa mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region (CAR) at Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan (MIMAROPA) bago matapos ang 2024.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa isang year-end press briefing. Dagdag pa nito, nasa final review na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang usapin, kung saan maaaring bago matapos ang Disyembre 2024 ay maaaring ilabas na ang desisyon ng Board kaugnay sa dagdag umento. 

Hindi naman binanggit ni Laguesma kung magkano ang dagdag sweldo para sa dalawang nabanggit na rehiyon. 

Samantala, hindi naman agad maipapatupad ang dagdag sweldo sa Bicol region dahil mismong mga empleyado daw ang humiling na huwag muna itong pag-usapan bilang tulong na rin nila sa mga employers na matinding naapektuhan ng magkakasunod na bagyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.